Monday, April 26, 2004

Maiba Naman

Tagalog naman ang gagamitin ko sa pagboblog. Nakakatamad na kasi yung panay English, eh hindi naman ako kagalingan. Kaya try ko naman yung Tagalog.

Kaninang umaga, nagpunta ako sa St. Luke's para magpatahi ng blazer and pants na gagamitin ko sa Internship. Medyo na late ako ng dating kaya tinawagan pa ko ni Sir Francis, buti na lang malapit na ako dumating nun. Balak na daw kasi nya umalis. Nga pala, sya yung magsusukat sakin ng Uniform.

Tapos, nagtanong tanong na din ako kung saan ako pwede magstay habang ako ay isang intern. Meron naman palang dormitoryo para sa mga intern at residente. OK!

Ngayon, bumalik na naman ako sa UST para makapag-internet.