Orientation sa St. Luke's
| Kahapon, nagpunta na naman ako sa St. Luke's para umattend ng orientation before 8AM pa lang ay nandun na ako. Mahirap na kasi ma-late at baka magka-bad impression agad sa kin. Ayun, dun, winelcome kami ng Medical Director ng Hospital, ng Dean, ng Associate Dean at kung sinu-sino pa. Pati nga yung infection control expert kinausap kami. Sinamahan kami ni Dr. Aquino (yung residente na humahawak ng intern) kay Dean para formally iwelcome, tiningnan din namin yung intern's quarters kung saan kami pwede mag-stay pag walang ginagawa. Nakilala ko na din yung mga iba kong kagrupo, mukha naman silang mababait kaya nawa'y mag-enjoy akong kasama sila sa loob ng isang taon. Tags: |
